Breaking

Monday, August 12, 2019

Netizen ibinuking ang modus ng LTO Tabang Guiguinto Bulacan

Halos lahat na ata ng mga Pilipino ngayon, may sarili mang sasakyan o wala ay makikitaan mo na ng driver's license.
Photo credit to the owner

Dahil itinuturing itong valid id na kung saan maaari mong magamit sa lahat ng bagay at isa din ito sa mga id na hindi mahirap makamit. Ang importante lang ay maipasa mo yung exam.

At ito nga ang ginawa ng isang netizen na gustong  i-renew yung kanyang lisensya. Ayon sa kanyang kwento matagal na daw paso ang kanyang lisensya at dahil magre-renew nalang siya ang buong akala niya ay wala ng exam.



Ngunit ayon daw sa mga staff ng LTO Tabang, kailangan niya muling mag-exam at siya naman ay agarang pumayag.

Binigyan siya ng instruction at walang angal naman niyang sinunod ngunit laking gulat niya ng biglang may nag-announce na ang cut-off number ng pagkuha ng exam ay hanggang 180 lang. Kaya naman nadismaya siya sa anunsiyo dahil ang tagal na niyang naghihintay at ang kanyang numerong hawak ay nasa 248 na.

At ng tanungin kung bakit ang aga ng cut-off, dahil daw hindi sila makakapag print ng additional na exam paper kaya dito na din uminit ang kanyang ulo.


Hindi man natin alam yung other side of the story ngunit kung totoo man ito, nakakalungkot isipin na kung sino pa yung mga taong nagtratrabaho sa kawani ng gobyerno ay yun pa ang may lakas na mangloko ng kapwa.


What can you say about this story? Let us know by leaving a comment below and don’t forget to SHARE this article to your friend.

No comments:

Post a Comment