Breaking

Tuesday, August 13, 2019

Tindera ng gulay nagsauli ng bag na may lamang P2.7M

Pinasalamatan at hinangaan ang isang tindera ng gulay sa Laoag, Ilocos Norte matapos nitong magsauli ng isang bag na may lamang P2.7 milyon.

Ayon sa report ng GMA News Online “Balitambayan”, habang kumakain ang tinderang si Alice Baguitan sa isang fast food restaurant, tinabihan ito ng isang babaeng may bitbit na bag.

Itinabi raw ng babae ang bag sa paa ni Alice ngunit nakalimutan ito nang magmadali itong umalis.

Suwerte namang narinig ni Alice na papunta ang babae sa bus terminal kaya hinabol niya ito roon.

Sa sobrang tuwa, niyakap ng babae si Alice at inabutan ng pera, ngunit hindi ito tinanggap ni Alice.

Kwento ni Alice, hindi raw ito ang unang pagkakataong nakapulot siya ng malaking halaga na ibinalik niya sa may-ari. Naniniwala raw siya na mas marami pa siyang matatanggap na biyaya sa Diyos dahil sa kanyang katapatan.


Panoorin ang video: 



***
Source: GMA News Online

What can you say about this story? Let us know by leaving a comment below and don’t forget to SHARE this article to your friend.

No comments:

Post a Comment